Sunday, January 16, 2022 English
 

Home|Iran|Islam|Persian Language|FAQ|Contact Us|Links|Sitemap
Title
iran
سالگرد سردار شهید اسلام حاج قاسم سلیمانی تسلیت باد
Login
Username :   
Password :   
 
Captcha:
[Signup]
NewsletterSignup
Name :   
E-mail :   


  Print        Send to Friend

Talumpati ng Cultural Adviser bago ang Friday Prayer Sermons ng Maynila

Talumpati ng Cultural Adviser bago ang Friday Prayer Sermons ng Maynila

Masaya ako na nadalaw ko kayong muli. Nagpapasalamat ako sa mga pinuno at mga kaibigan ko dito sa Golden Mosque para sa  koordinasyon  at pag aayos ng pagbisitang ito. “ Masayang araw ng Biyernes” Ngayon ay nasa panahon tayo ng pagsilang ng ating mahal na Banal na Propeta ng Islam.

                    

 

Taos puso akong bumabati sa aking mga mahal na kapatid sa  Islam sa pagdiriwang ng araw na ito. Ang Banal na Propeta ay may perpektong moralidad, at sinabi nga ng Diyos na pinakamataas na moralidad. Ang Propeta ng Islam ay hindi lamang para sa mga muslim , siya ay para sa sangkatauhan at siya ay biyaya at kapatawaran para sa lahat, Dahil sinabi ng Diyos na Kapatawaran para sa sangkatauhan, hindi lamang para lamang sa Muslim رحمه للعالمین .Ang Diyos ay mapagpatawad at mapagpala.Ang banal na Quran ay biyaya Samakatuwid, tayong mga Muslim  na naniniwala sa Diyos at itinuturing ang sarili natin na tagasunod ng Mahal na Propeta at ng Banal na Quran ,kaya dapat ding maging mga mamamayan tayo ng pagpapatawad , biyaya, kapayapaan at pakikipagkaibigan. Ang mga Muslim sa lahat ng sulok ng mundo ay dapat maging mabait sa kanilang kapwa, palakaibigan at magmahal sa kapayapaan.Ang mga Muslim ay dapat magkaroon ng mahalagang papel sa  pag-unlad ng kanilang bansa kahit saan pa man sila naroroon. Dapat magkaisa ang mga Muslim upang makahikayat sila na magkaroon ng kapayapaan, pagtutulungan at pakipagkakaibigan. Ang Propeta ng Islam ay Propeta ng pagkakaisa. Sa Qur’an hinikayat ng Diyos na magkaisa واعتصموا بحبل الله جمیعا و لاتفرقوا . Dahil kung walang pagkakaisa, magiging mahina ang mga Muslim at hindi nila mapaglilingkuran ang kapwa samakatuwid di nila maisusulong ang kapayaan at pakikipag kapwa. Gustong ipakilala ng  mga kaaway ng Islam na ang Islam ay relihiyon ng karahasan at ang mga Muslim ay mga taong mararahas, kaya kung mahal natin ang Islam at ang Banal na Propeta, hindi natin dapat pasamain ang mukha ng Islam sa mundo. Dapat nating ipakita na ang Propeta ng Islam ay nandito para sa kabutihan at biyaya sa sangkatauhan at tayo ay pinagmumulan ng kabutihan at biyaya dahil tayo ay kanyang tagasunod. Kaya ang ating ugali at asal sa komunidad ay napakahalaga, at dapat tayong msging magandang simbolo ng Islam. Dapat tayong magkaisa upang mapalaganap natin ng maayos ang Islam. Dapat tayong magkaisa dahil lahat tayo ay naniniwala sa Diyos, sa mahal na Propeta ng Islam at sa Banal na Qur’an.

 

 

 

        

 

Ngayon, kahit sino na nagiging dahilan ng pagkakawatak watak sa pagitan ng mga Muslim ay hindi tunay na Muslim at tumutulong sa kaaway ng Islam dahil pinipilit ng mga kaaway ng Islam na pagwatak watakin ang mga Muslim الحمدلله. Ang mga Muslim sa Pilipinas ay may pagkakaisa at may mahalagang papel sa pag-unlad ng bansa. Sila ay nabubuhay ng mapayapa kasama ng ibang relihiyon at ang magandang asal at moralidad na ito ay dapat pang palakasin.

 

Binabati ko kayong muli sa pagsilang ng ating mahal na Propeta ng Islam at sana magkaroon tayo ng malakas at malusog na pangangatawan at maging matagumpay.


11:58 - 31/10/2021    /    Number : 776515    /    Show Count : 77







Search
Advance Search Web Search
banners
Imam Khomeini, The Founder of I.R. Iran

The office of Ayatullah Khamenei

president of Iran

Embassy of the Islamic Republic of Iran

Saadi Foundation

Alhoda International

Philippines Department of Tourism
vote
Disable
UsersStats
Visitorsofpage: 304385
Visitorsofday : 47
Visitorsofpage : 567171
Onlinevisitors : 2
PageLoad : 2.3691

Home|Iran|Islam|Persian Language|FAQ|Contact Us|Links|Sitemap